KASO LABAN KAY LOCSIN IKINASA NA

POSIBLENG sampahan na ng kaso ang Aktres na si Angel Locsin dahil sa paglabag nito ng health protocols.

Ito ay matapos na pagsama- samahin ng pamunuan ng Barangay Holy Spirit sa Quezon City ang lahat ng mga ebidensya at testimonya para sa paghahain ng kaso laban kay Locsin na kung saan maraming paglabag ang ginawa nitong birthday community pantry noong nakaraang Biyernes, Abril 23.

Sinabi ni Brgy. Chairman Felecito Valmocina, ang mga nilabag ng aktres ay may kinalaman sa mass ga­thering, health protocols at kakulangan ng koordinas­yon sa mga ahensiya ng pamahalaan nang magsagawa ito ng community pantry.

Base sa mga ipinakitang ebidensya ng Kapitan, nag- post umano si Locsin sa kanyang social media account na mamimigay siya ng ayuda kasabay ng kanyang kaarawan.

Kaya alas-5 pa lamang ng umaga ay dumagsa na ang mga tao at pumila sa Titanium Bldg. Sa Holy Spirit Drive na umabot pa hanggang Litex Commonwealth sa lungsod.

Aniya, aabot lamang pala sa 300 katao na may stubs ang mabibigyan pero hindi umano nilinaw ito ng aktres sa kaniyang post sa social media upang hindi na dumagsa pa ang tao sa itinayong community pantry para sa kaarawan.

Sa pagtaya ng Barangay at Task Force Disiplina, umabot sa mahigit 10, 000 katao ang dumagsa sa community pantry ng aktres na halos karamihan ay nanggaling pa sa malalayong lugar.

Samantala, tinanggap naman ni Valmocina ang paghingi ni Locsin ng paumanhin sa pangyayari ngunit ipauubaya na lamang umano nito sa batas ang mga ginawang paglabag ng aktres kung saan ay may isang senior citizen ang nagbuwis ng buhay. EVELYN GARCIA

6 thoughts on “KASO LABAN KAY LOCSIN IKINASA NA”

  1. 710593 87917I think this really is among the most vital info for me. And im glad reading your write-up. But wanna remark on few common issues, The site style is perfect, the articles is truly fantastic : D. Good job, cheers 505964

Comments are closed.