BUMABA na ang mga insidente ng African swine fever (ASF) sa bansa, ayon kay Agriculture Secretary William Dar.
“The occurrence, the outbreak is now tapering down, it’s decreasing. So it’s a good pangitain na bumababa ‘yung occurrence ng outbreak,” wika ni Dar.
Sinabi rin ng kalihim na ligtas na sa ASF ang bayan ng Rodriguez sa Rizal subalit nilinaw na hindi pa rin nawawala ang virus sa ibang bahagi ng bansa kung saan ang Bulacan at Pampanga pa rin ang tinukoy na infected zones.
“Wala kaming sinasabi na tapos na ang ASF, contained na ang ASF. Let’s not make that a message, kasi andiyan. ‘Yung Rodriguez, wala na as per our monitoring. Klaro ‘yun,” aniya.
Sa mga pagsusuring isinagawa sa Rodriguez, Rizal, lumitaw na negatibo na sa virus ang nasabing lugar sa nakalipas na tatlong buwan.
Tinatayang nasa P1 billion kada buwan ang economic losses dahil sa ASF magmula nang iulat ang outbreaks noong Agosto, o kabuuang P4 billion.
“Ang estimate namin, kami na nag-estimate at nag-study, P1 billion. Ang report ay mid-August, so apat na buwan na,” aniya.
“Four billion pesos, pero ang development nga bumababa na ‘yung outbreak. So nagpi-pick up na rin (‘yung containment measures). So, tumataas na ‘yung confidence at negosyo ay bumabalik.”
Kinumpirma ng DA na nagpositibo sa ASF ang mga baboy sa bansa noong nakaraang Agosto, kung saan isinisi ng DA ang outbreak sa imports mula sa China at ang pagsasagawa ng swill feeding. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.