NAGPAHAYAG ng tiwala si Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque III na kaya pa ng pamahalaan na ma-contain o mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa upang hindi ito tuluyang maging ‘community transmission’.
Ang kumpirmasyon ay ginawa ni Health Assistant Secretary Ma. Rosario Vergeire sa isang pulong balitaan nitong Lunes ng hapon.
Ayon kay Vergeire, mula sa 10 kumpirmadong kaso ng sakit na iniulat ng DOH nitong Linggo ng gabi, nadagdagan pa ito ng 10 pang bagong kaso, kaya’t umakyat na ito sa 20 ngayon.
Aniya, natanggap lamang nila ang kumpirmasyon sa mga bagong kaso ng sakit, bago magtanghali lamang ng Lunes kaya’t wala pa rin silang kumpletong impormasyon hinggil sa mga ito.
Hindi pa rin umano nila tukoy kung ano ang koneksiyon nila sa mga unang kaso.
Tiniyak naman ni Vergeire na patuloy ang isinasagawa nilang contact tracing sa mga close contact ng confirmed COVID-2019 cases upang matukoy kung sino sa kanila ang dinapuan din ng karamdaman. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.