Iniulat ng Department of Health (DOH) na patuloy pa rin sa pagtaas ang bilang ng mga pasyente ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) na naitatala nila sa bansa, gayundin ang mga taong namatay at gumaling na rito.
Sa inisyung COVID-19 Case Bulletin #004 ng DOH, dakong 4:00 ng hapon ng Marso 18, nabatid na 202 na ang naitala nilang confirmed COVID-19 cases sa bansa.
Nakapagtala pa ng karagdagang 15 kaso pa ng sakit, hanggang 12:00 ng tanghali ng Miyerkoles, mula sa dating 187 kaso lamang.
Ang mga bagong pasyente ay binigyan ng patient ID # na PH188-PH-202.
Samantala, nadagdagan din naman ang bilang ng mga pasyenteng binawian ng buhay dahil sa virus at umakyat na sa 17.
Kabilang sa mga binawian ng buhay si PH126, 76 anyos na Pinoy, na diabetic at may hypertensive cardiovascular disease; at PH129, na 67-anyos na Pinoy na hypertensive.
Binawian rin ng buhay sina PH201, na 58 year old na Pinoy na diabetic at may travel history sa Malaysia; si PH57, na 65 year old na Pinoy na hypertensive at diabetic at bumiyahe sa London at si PH160, na 86 year old na Pinay, na walang travel history at wala ring exposure sa Covid cases ngunit marami namang mga sakit na dinaramdam sa kanyang katawan.
Samantala, nasa pito naman na ang mga pasyenteng nakarekober sa karamdaman.
Pinakahuling nakarekober mula sa karamdaman sina PH15, 24 year old na Pinoy mula sa Makati; at sina PH26 na mula sa Camarines at PH13 na mula Quezon City, na kapwa 34 year old na Pinoy. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.