PANIBAGONG 75 na kaso ng COVID-19 ang naidagdag sa sa Eastern Visayas.
Sa inilabas na datos ng Eastern Visayas – Center for Health and Development hangang kahapon, Agosto 2, sumampa na sa 36,285 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa nasabing rehiyon.
Sa nasabing bilang, 1,346 ang active cases o ginagamot pa at 34,518 naman ang gumaling.
Habang mayroon nang 421 katao ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.
Ang 75 na bagong kaso na nadagdag at mula sa sumusunod na mga lalawigan at lungsod ng Leyte, 44; Eastern Samar, 11; Tacloban City, 10; Southern Leyte, 5; at Samar, 5.
Ibinaba naman sa “low” ang average daily attack rate sa Biliran.
Habang pawang nasa “medium” na lamang ang average daily attack rate sa iba pang lalawigan sa rehiyon.
37941 592750very nice post, i undoubtedly truly like this excellent web site, carry on it 874829