KASO NG COVID-19 SA MGA PINOY ABROAD PUMALO NA SA 5,218

Covid 19

UMAKYAT na sa  5,218 ang bilang ng mga Pinoy abroad na tinamaan ng COVID-19 makaraang makapagtala ng 34 na panibagong kaso ng infections, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Umangat naman sa 2,167 ang bilang ng mga Pinoy na gumaling matapos na iulat ng DFA ang 16 na bagong recoveries, habang ang mga pasyenteng ginagamot ay naitala sa 2,709.

Lumobo rin ang bilang ng mga nasawi sa 342 na may tatlong bagong fatalities.

Ayon sa DFA, ang  Middle East/Africa ang nagtala ng pinakamaraming Pinoy na may COVID-19 sa 3,252 kung saan 1,317 dito ang gumaling, 100 ang nasawi at  1,835 ang ginagamot.

Sumusunod ang Europe na may 821 infections, kabilang ang 259 na nakarekober, 90 namatay at 472 na ginagamot.

Ang Asia Pacific naman ang rehiyon na may pinaka-kaunting kaso sa 489 na may 351 recoveries, 2 fatalities at 136 na sumasailalim sa gamutan.

Sa  Americas, 656 Pinoy ang nahawaan ng COVID-19, na kinabibilangan ng 240 na gumaling, 150 nasawi at  266 na ginagamot.

Comments are closed.