LUMOBO na sa mahigit 6.8 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus (COVID-19) sa buong mundo.
Sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 6,844,838 ang tinamaan ng nakahahawang sakit sa iba’t ibang mga bansa.
Ang Amerika pa rin ang nangunguna sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 na may 1,965,708 cases.
Sumunod ay ang Brazil na may 646,006 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 449,834 ang kaso sa Russia habang 288,058 ang bilang ng COVID cases sa Spain.
Sumampa na sa kabuuang 398,147 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 3,348,998 ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.
Iba pang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 283,311
– India – 236,184
– Italy – 234,531
– Peru – 187,400
– Germany – 185,414
– Turkey – 168,340
– Iran – 167,156
– France – 153,055
– Chile – 122,499
– Mexico – 110,026
– Saudi Arabia – 95,748
– Canada – 94,335
– Pakistan – 89,249
– China – 83,030
– Qatar – 65,495
– Bangladesh – 60,391
Comments are closed.