KASO NG COVID-19 SA MUNDO PUMALO SA 240-M

TUMAAS na sa 239.94 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 239,944,477 ang tinamaan ng COVID-19 sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 45,547,920 cases.

Sumunod ang India na may 34,020,730 kaso.

Nasa 21,597,949 naman ang kaso sa Brazil habang 8,272,883 sa United Kingdom.

Sumunod ang mga bansang Russia – 7,861,681; Turkey – 7,540,223; France – 7,069,089; Iran – 5,742,083; Argentina – 5,268,653; Spain – 4,980,206; Colombia – 4,975,656; Italy – 4,707,087; Germany – 4,354,487; Indonesia – 4,231,046 at Mexico – 3,738,749

Lumabas sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 4,889,440 ang bilang ng mga nasawi sa iba’t ibang bansa habang 217,298,230 ang total recoveries ng COVID-19 sa buong mundo.

141 thoughts on “KASO NG COVID-19 SA MUNDO PUMALO SA 240-M”

Comments are closed.