KASO NG COVID-19 SA MUNTI PABABA NA

SA patuloy na pagbaba ng bilang ng kaso ng COVID-19 na umabot sa 65 porsiyento ay hinimok ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa ang publiko na ipagpatuloy ang pagsunod sa mga ipinatutupad na health protocols sa lungsod.

Ayon sa datos ng Muntinlupa COVID-19 update noong Oktubre 1 ay nakapagtala ang lungsod ng 988 aktibong kaso ng COVID at sa talaan ng Oktubre 19 ay mayroon na lamang itong 347 kaso ng virus na mabilis na bumaba ng 641 kaso o katumbas ng 65 porsiyento.

Sa kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod na umabot na din ito sa 27,101 kung saan 26,193 ang mga nakarecover na habang 561 naman ang mga namatay sa virus.

Naging matagumpay ang pagpapatupad ng Muntinlupa ng kanilang istratehiyang Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate (PDITR) para mapigilan ang transmisyon ng COVID-19 sa lungsod.

Sa tagumpay ng lungsod sa pakikipaglaban sa COVID-19 ay dahil na rin sa pagsisikap ng COVID-19 team ng local na pamahalaan sa tulong ng City Health Office (CHO), barangays, Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTs) at contact tracers.

Kasalukuyan din nagsasagawa ang lokal na pamahalaan ng mga online dialogues sa iba’t-ibang asosasyon ng mga homeowners sa lungsod sa pamamagitan ng Community Affairs Development Office (CADO) na pinamumunuan ni Rose Geli at Public Information Office (PIO) chief Tez Navarro sa pakikipag-ugnayan na rin sa barangay information officers.

Muling ipinaalala ng lokal na pamahalaan sa mga residente na sumunod sa ipinatutupad na health protocols sa lungsod tulad ng pagsusuot ng face masks, pag-obserba sa social distancing at ang palaging paghuhugas ng kamay. MARIVIC FERNANDEZ

9 thoughts on “KASO NG COVID-19 SA MUNTI PABABA NA”

  1. 910214 993993Typically the New york Weight Loss diet is definitely less expensive and flexible staying on your diet scheme intended for measures nevertheless fast then duty keep a nutritious every day life. weight loss 511253

Comments are closed.