UMAKYAT sa 18 ang kaso ng COVID-19 sa San Fernando, Pampanga matapos maging COVID-free ito noong nakaraang limang araw.
Ayon sa city health office, walang naitalang kaso ng COVID-19 Disyembre 22 hanggang 27.
Noong Disyembre 28, nakapagtala ito ng dalawang bagong kaso ng COVID-19 – isa sa Bulaon village at isa pa sa Saguin village.
Apat pang kaso ng COVID-19 ang naitala noong sumunod na araw sa Del Rosario village at isa sa Quebiawan.
Noong Disyembre 30, lima pang kaso ang idinagdag sa listahan. Kabilang dito ang dalawang pasyente mula sa Magliman village, dalawa mula sa Saguin at isa mula sa San Agustin.
Pagkaraan ng isang araw, apat pang kaso ang naitala – dalawa sa Del Pilar at tig-isa sa Malpitic at Sindalan.
Sa unang araw ng taon, nagtala ang lokal na pamahalaan ng apat na bagong kaso na kabilang ang dalawang residente ng Del Rosario, isa mula sa San Agustin at isa pa mula sa Santa Teresita. LIZA SORIANO