PUMALO na sa halos 165,000 ang kabuuang bilang ng mga pasyente ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Batay sa case bulletin #156 na inilabas ng Department of Health (DOH), nabatid na hanggang 4:00PM ng Agosto 17 ay nakapagtala pa sila ng karagdagang 3,314 bagong kaso ng sakit sanhi upang umabot na sa kabuuang 164,474 ang confirmed COVID-19 cases sa Filipinas.
“As of 4PM today, August 17, 2020, the Department of Health reports the total number of COVID-19 cases at 164,474,” anang DOH. “A total of 3,314 confirmed cases are reported based on the total tests done by 91 out of 105 current operational labs.”
Sa naturang bilang, 49,034 pa ang aktibong kaso, 91.1% ang mild cases, 6.5% ang asymptomatic, 1.0% ang severe cases at 1.4% ang critical cases.
Pinakamarami pa ring naitalang bagong kaso ng sakit sa National Capital Region (NCR), na nasa 1,918; sumunod ang Laguna na may 274 new cases; Cavite na may 219 new cases; Rizal na may 118 new cases at Bulacan na may 105 new cases.
“Of the 3,314 reported cases today, 2,854 (86%) occurred within the recent 14 days (August 4 – 17, 2020). The top regions with cases in the recent two weeks were NCR (1,656 or 58%), Region 4A (672 or 24%) and Region 3 (131 or 5%),” anang DOH.
Samantala, nakapagtala rin ang DOH ng panibagong 237 gumaling kaya’t umakyat na ang total number of recoveries sa bansa sa 112,759.
Mayroon namang 18 bagong bilang ng mga namatay dahil sa COVID-19 sanhi upang umabot na sa 2,665 ang COVID-19 death toll sa bansa.
Sa 18 namatay, apat o 22% ang naitala ngayong Agosto; 12 o 67% ang naitala noong Hulyo; habang dalawa o 11% naman ang naitala noong Hunyo.
Ang mga pasyenteng binawian ng buhay ay mula sa Region 4A (5 o 28%), Region 7 (4 o 22%), NCR (4 o 22%), Region 3 (3 o 17%), Region 10 (1 o 6%), at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (1 o 6%).
Mayroon din namang 93 duplicates na inalis mula sa total case count bilang bahagi ng nagpapatuloy na paglilinis at balidasyon ng mga datos. Sa naturang bilang, 64 ang recovered cases at dalawa ang patay. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.