KASO NG COVID-19 SA PNP 5 NA LANG

LIMANG pulis na lang ang ginagamot kontra COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Batay sa datos ng PNP-Health Service, walang bagong naita­lang kaso ng coronavirus disease sa kanilang organisasyon subalit mayroong tatlong bagong recoveries na naitala.

Kaya ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa PNP ay 48,703 na habang ang kabuuang kaso ng nasabing sakit simula noong Marso 17, 2020 ay 48,836.

Wala namang naitalang nasawi simula noong Pebrero 1 habang ang kabuuang fatalities ay 128 naman.

Mahigpit naman ang panawagan ni PNP Chief Gen. Dionardo Carlos sa kanyang mga tauhan na magdoble ingat upang hindi na madagdagan pa ang kaso at tuluyang nang gumaling ang natitirang nagkasakit.

Samantala, 221,725 na pulis ang fully vaccinated; 2,357 ang naghihintay ng ikalawang dose ng bakuna habang 613 pa ang hindi nababakunahan.

Sa mga unvaccina­ted, 292 ang may medical condition habang 321 ang mayroong medical condition.
Pumalo naman sa 143,016 na pulis ang tumanggap ng booster shot. EUNICE CELARIO