KASO NG COVID-19 SA PNP BUMABA

ANG pagsasailalim sa Alert Level 3 sa Metro Manila na indikasyon na bumabagal at bumababa ang hawahan sa COVID-19, maging sa Philippine National Police (PNP) ay naging kapansin-pansin ang pagbulusok ng bilang ng arawang bagong kaso ng nasabing sakit.

Batay sa datos ng PNP-Health Service na ibinigay sa PILIPINO Mirror, 35 na PNP personnel ang nadagdag sa mga bagong tinamaan ng coronavirus disease.

Mas mababa ito sa mga nakalipas na araw o linggo na umaabot sa 50 pataas habang hanggang kahapon, ang kabuuang confirmed cases ay nasa 41,615.

Samantala, 35 COVID-19 patients din sa PNP ang gumaling at nakalaya na mula sa isolation kaya umabot na rin sa 40,700 ang gumaling.

Sawimpalad naman ang kaanak ng 123 PNP personnel na iginupo ng nasabing sakit.

Ipinagpalagay naman ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar na dahil sa halos buong police force ay bakunado na kaya bumaba ang bilang ng tinatamaan ng virus.

Hanggang nitong Oktubre 21, nasa 193,195 na PNP personnel ang fully vaccinated o 86.90 percent ng kabuuang PNP population na 221,000 members.

Nasa 25,726 o 11.53 percent naman ang nakatanggap ng unang dose ng bakuna.

Habang nasa 1.57 percent o 3,509 pulis pa ang hindi nababakunahan dahil sa ibang kadahilanan.
EUNICE CELARIO

150 thoughts on “KASO NG COVID-19 SA PNP BUMABA”

  1. 94074 632182Sorry for the huge review, but Im truly loving the new Zune, and hope this, as properly as the exceptional reviews some other men and women have written, will aid you decide if it is the right choice for you. 15189

Comments are closed.