KASO NG COVID-19 SA PNP BUMABA

BUMULUSOK sa 97 ang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP-Health Service hanggang kahapon, 97 na lang ang aktibong kaso ng nasabing virus kasama pa ang bagong dinapuan na 11.

Habang 18 pasyente pa ang gumaling kaya pumalo na sa 41,951 pulis ang nakarekober sa coronavirus disease.

Sinabi ni PNP Chief Gen. Dionardo Carlos,sa bagong dinapuan na 11 pasyente ay na kinabibilangan na tatlong pulis mula sa Metro Manila at walo sa hindi tinukoy na mga probinsiya.

Sa 97 active cases, 23 ay mula sa National Capital Region, habang 74 ay sa mga probinsiya.

Ang tatlo ay naka-confine sa non-PNP hospitals habang ang 94 cases ay nasa isolation facilities.

Sa datos ng PNP, ang pinakamataas na aktibong kaso ay nang sumampa sa 3,217 noong Setyembre 17, 2021.

Kabuuang 125 PNP personnel naman ang nasawi sa COVID-19 kaakibat ng medical complications simula ng ng outbreak ng virus noong unang bahagi ng 2020.

Pumalo rin sa 42,173 ang kaso habang nasa 99% vaccination rate ang PNP.

Kabuuang 395,634 doses ang naiturok sa 223,653 PNP personnel kung saan ang 209,642 o 92.87% ay fully-vaccinated habang 14,001 o 6.21% mayroon palang unang dose. EUNICE CELARIO