KASO NG COVID-19 SA PNP LUMILIIT NA

PATULOY na nababawasan ang bilang ng mga pulis na ginagamot kontra COVID-19.

Sa ulat ng Philippine National Police –Health Service (PNP-HS) mula sa dating mahigit 1,400 na aktibong kaso ng coronavirus disease noong Mayo 2021, bumulusok sa 13 ang nagpapagaling na pulis sa nasabing sakit.

Hanggang kahapon, Disyembre 26, isa pang pulis ang tuluyan nang gumaling sa coronavirus disease kaya ang total recoveries ay 20,147 na habang zero sa bagong impeksyon kaya nananatili pa rin sa 42,248 ang kabuuang kaso sa police force.

Mula Nobyembre 10 ay wala nang nadagdag sa 125 na nasawi sa COVID-19.

Ayon sa liderato ng PNP, abot kamay na ang flat curve sa PNP kung magpapatuloy ang trending na walang bagong nai-infect sa virus.

Samantala, 214,742 pulis ang fully vaccinated na, 9,588 ang nakatanggap ng unang dose ng bakuna habang 1,780 pa rin ang hindi nababakunahan dahil sa medical condition at paniniwala.

Nagpapatuloy pa rin ang panawagan ng Administative Support to COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF) para makumbinsi ang non-believer na magpabakuna. EUNICE CELARIO