KASO NG COVID-19 TIWALANG MASUSUGPO

Covid patient

NUEVA VIZCAYA-TIWALA si Governor Carlos Padilla na masusugpo nila ang coronavirus disease (COVID-19) base na rin sa kasalukuyan nakatala sa Department of Health (DOH) Region-2 na nasa 509 ang COVID-19 positive, 270 ang active cases, 224 na ang mga nakarekober at gumaling habang umakyat sa 15 ang nasawi sa lalawigan ito.

At ang mga bagong naitalang mga tinamaan ng COVID-19  ay mula sa mga bayan ng Bayombong, Baganag, at Aritao, habang sa dalawang araw ay walang naitalang bagong kaso ng nasabing virus sa bayan ng Solano.

Ayon kay Padilla, naniniwala siyang kaya nilang labanan at masugpo ang COVID-19 dahil pababa na ang mga naitatalang kaso ng virus kumpara sa mga nagdaang tatlong linggo.

Kaya’t patuloy ang panawagan nito sa kanyang mga kababayan na makiisa at sumunod lang sa mga pinaiiral na punutunan upang hindi na lu­maganap ang COVID-19.

Gayunpaman, anang gobernador, patuloy ang pagpapatupad ng restrictions partikular sa senior citizens, health protocols,  pagsasagawa ng mass testing, pagtunton sa mga tao na  naging direct contact ng mga COVID-19 positive at pagtutok sa bayan ng Bagabag at Aritao kung saan doon umano nanggaling ang iba pang mga nagpositibo. IRENE GONZALES

Comments are closed.