NAKAPAGTALA ng anim na rehiyon si Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na kung saan tumaas ang kaso ng COVID-19.
Tinukoy ni Vergeire ang mga Region 4B (Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan); Region 5 (Bicol) at Region 8 (Eastern Visayas) na nakapagtala ng 2-week growth rate habang pagtaas naman ng isang linggo o 1 week growth rate ang naitala ng Department of Health sa Cordillera Administrative Region (CAR), Region 2 (Cagayan Valley) at Region 7 (Central Visayas).
Kasabay nito, sinabi ni Vergeire na kasama sa bahagyang pagtaas ang limang lugar sa Metro Manila kabilang ang Las Pinas, Quezon City, Mandaluyong, Muntinlupa at Makati na ngayon ay nasa low risk category mula sa regular risk.
Nilinaw naman ni Vergeire na hindi dapat maalarma ang publiko dahil hindi malaki ang pagtaas na ito at hindi ito nakakaapekto sa bilang ng mga na ospital tulad ng COVID-19.
Sa katunayan, ipinagmalaki ng opisyal na bumaba pa nga sa 196 ang average na arawang kaso na naitala noong Abril 26 hanggang ngayong Mayo 2 kumpara sa 216 average na kaso noong Abril 19 hanggang 25.
Wala na rin naitalang severe at critical ngayong Linggo at nasa 97 percent ang aktibong kaso ng mild ang sintomas.
Paliwanag pa ni Vergeire na nasa 2 hanggang 30 lamang pagtaas ng mga kaso at pawang mold at asymptomatic lamang ang kanilang naitatala. BETH C