KASO NG COVID-19 TUMAAS,1 NASAWI

ISANG pasyente ang nasawi sa COVID-19 nitong Hulyo 10 habang patuloy sa pagtaas ang bilang ng active cases.

Base sa tala ng Navotas LGU, nasa 138 ang active cases matapos na walo ang mahawaan at apat lamang ang guma­ling habang umakyat sa 373 ang bilang ng mga namatay dahil sa pandemya.

Sa kasalukuyan, pumalo na sa 11,145 ang tinamaan ng COVID sa Navotas at sa nasabing bilang ay 10,634 na ang gumaling.

Samantala, wala namang naitalang COVID casualty sa Malabon at nanatili sa 453 ang pandemic death ng lungsod.

Ayon sa City Health Department, siyam ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 13,624 na ang positive cases sa lungsod, 151 dito ang active cases.

Siyam na pasyente rin ang gumaling at sa kabuuan ay 13,020 ang recovered patients ng Malabon.

Nagkaroon ng pagbabago sa datos ng mga gumaling sa Barangay Tugatog dahil nagpositibo ang swab test ng isa sa mga gumaling na pasyente sa ikalawang pagkakataon. Mula 802 ay magiging 801 na lamang ang mga gumaling sa Barangay Tugatog.

Sa Valenzuela, nananatiling 540 ang pandemic death toll sa lungsod at nasa 20,861 ang confirmed cases at nasa 20,168 ang gumaling na habang 153 ang active cases matapos na 20 ang gumaling at 12 ang magpositibo.

nananatiling nasa 1,101 ang pandemic fatalities sa Caloocan City, habang 367 ang active cases matapos na 16 ang magpositibo sa virus. Sumampa na sa 38,735 ang confirmed cases sa lungsod at nasa 37,276 na ang gumaling. VICK TANES

60 thoughts on “KASO NG COVID-19 TUMAAS,1 NASAWI”

Comments are closed.