(Kaso ng COVID-19 tumataas) BULACAN MEDICAL CENTER HINIGPITAN

PANSAMANTALANG isinara sa motorista ang kalsadang papasok at palabas ng Bulacan Medical Center upang bigyang daan ang gagawing paglilipat ng mga COVID-19 patients na mga naghihintay ng bed mula sa Bulacan Infection Control Center na ukupado na ng nasa 200 pasyente.

Ayon kay BMC Director Dra. Hjordis Marushka Celis, umabot na sa 305 na COVID-19 positve ang naka-admit sa panlalawigang pagamutan.

Ngayong weekend isasagawa ang paglilipat ng mga pasyente mula sa Triage na nasa parking ng ospital.
Ililipat ito sa bagong building ng OPD na ginawang ER-Triage, aniya nasa 14 -hanggang 20 pasyente na may COVID-19.

Dahil dito ay umapila ang opisyal sa mga kaanak ng mga pasyente na unawain ang sitwasyon sa loob ng pagamutan,dahil kulang na kulang sila sa mga medical worker at mga nurse para matugunan ng maayos ang mga pasyente ng pagamutan.

Sa kasalukuyang tala ng Provincial Disaster Risk Reduction And Management Officeb(PDRRMO) pumalo na sa 56,395 ang confirmed COVID-19 positive, habang ang total recoveries ay 51,092, kung saan umakyat na rin sa 1,132 ang naitalang namatay sa virus sa buong probinsiya ng Bulacan.

Nabatid na tumatagal ng apat hanggang anim na oras o higit pa ang paghihintay ng mga pasyenteng nakalagak sa mga tent o triage sa labas ng pagamutan.

Muling nagpaalala ang pamahalaang panlalawigan na mahipit na ipatupad ang health standard ng Inter-Agency Task Force upang makaiwas sa virus na dala ng mga bagong variants ng Delta,at Lambda sa bansa. THONY ARCENAL

5 thoughts on “(Kaso ng COVID-19 tumataas) BULACAN MEDICAL CENTER HINIGPITAN”

Comments are closed.