NASA 2,163 ang panibagong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Filipinas sa huling datos ng Department of Health (DOH) araw ng Lunes, Enero 18.
Dahil dito ay umabot na sa 502,736 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 26,839 o 5.3 porsiyento ang aktibong kaso.
Ayon pa sa DOH, 85.8 porsiyento sa active COVID-19 cases ang mild; 6.1 porsiyento ang asymptomatic; 0.49 porsiyento ang moderate; 2.8 porsiyento ang severe habang 4.9 porsiyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Umakyat na sa 9,909 o 1.97 porsiyento ang COVID-19 related deaths sa bansa matapos madagdag sa bilang ang 14 na pasyente.
Ayon pa sa DOH, dalawa naman ang gumaling pa sa COVID-19 kaya 465,988 o 92.7 porsiyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Filipinas.
Comments are closed.