KASO NG DELTA VARIANT PUMASOK NA SA TAGUIG

NATUKLASAN ng lokal na pamahalaan ng Taguig na nakapasok na sa kanilang lungsod ang kinatatakutan at mas madaling makahawang Delta variant ng COVID-19.

Ito ay kinumpirma ni Taguig Safe City Task Force (TSCTF) head Clarence Santos na ang nasabing isang kaso ng Delta variant na natuklasan sa lungsod base na rin sa lingguhang report ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CEDSU).

Sa report ng CEDSU, sinabi ni Santos na may kabuuang 73 kaso ng COVID-19 variants sa lungsod kung saan isa na nga dito ang Delta variant.

Dagdag pa ni Santos, bukod sa Delta variant ay 46 ang Beta variants habang 26 naman ay mayroong Alpha variants.

Dahil dito, pinaalalahanan ang mga residente ng lungsod na ang Delta variant ay napakabilis manghawa at ang pinakamabisang panlaban sa variant na ito ay ang responsibilidad sa sarili.

“Magsuot ng masks, face shield a panatilihin ang distansya upang hindi na kumalat pa ang Delta variant.

Ito ay mas maadaling makahawa at mataas ang porsiyento nito na madadala ka sa ospital. Ang isa pang importanteng panlaban sa Delta variant ay baksinasyon,”ayon sa pamahalaang lungsod.

Sa huling datos ng CEDSU ay nakapagtala ang lungsod ng 51 bagong kaso na ngayon ay may kabuuang 417 kaso ng COVID-19.

Nakapagtala rin ang lungsod ng 29,673 kumpirmadong kaso ng COVID-19 kung saan 28,975 pasyente ang naka-recover na habang 281 naman ang mga namatay dahil sa virus.

Matatandaan na inianunsyo ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mayroon nang nadiskubreng 16 na bagong Delta variants sa bansa.

Sa bilang na nabanggit, 11 ang naitalang lokal na kaso ng Delta variant kung saan ang anim sa mga ito ay nasa Region X o Northern Mindanao.

Ang 5 naman sa 16 bagong kaso ng Delta variant na naiulat na mula returning overseas Filipinos (ROFs) na ang isa rito ay nanggaling sa United Kingdom noong Abril 26 at dalawa naman ay galing sa Qatar noong Hunyo 15 na lahat naman ay nakarecover na habang bineberipika pa ng DOH ang quarantine status ng 2 pang ROFs na inaalam pa rin ang kanilang mga pinangga­lingan. MARIVIC FERNANDEZ

5 thoughts on “KASO NG DELTA VARIANT PUMASOK NA SA TAGUIG”

  1. 875147 531928My California Weight Loss diet invariably is an cost effective and versatile staying on your diet tv show produced for people who locate themselves planning to drop extra pounds and furthermore ultimately maintain a a lot healthier habits. la weight loss 514409

Comments are closed.