UMABOT na sa nakaaalarmang bilang na 21 ang kaso ng mas nakahahawang Delta variant ng COVID-19 sa Taguig.
Sinabi ni Department of Health (DOH) Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea de Guzman na base na rin sa kanyang report, ang 21 kaso ng ta variant ay naitala noon pang Agosto 21 na mayroong pagtaas ng bilang ng limang kaso mula ng Agosto 5. Ang Delta variant ay isang strain ng SARS-Cov-2 na nagdudulot ng COVID-19.
“Nakikita namin ang pagpapatuloy ng Delta sa NCR. Sa ngayon, ang NCR, bilang pinakamalaking rehiyon, ang may pinakamaraming kaso ng Delta, local Delta cases,” ani de Guzman.
Noong Agosto 26, nakapagtala ang Taguig ng 283 bagong kaso ng COVID-19 sa 1,671 aktibong kaso ng virus sa kabuuang 34,969 kumpirmadong kaso habang 33,001 ang mga nakarekober at 297 naman ang mga namatay.
Ayon sa lingguhang ulat ng lungsod, sa 1,671 aktibong kaso ay 1,073 o 64 porsiyento ang mga asymptomatic, 564 (34%) ang mga may mild na sintomas, 22 (1.3%) ay mga moderate at 12 naman o katumbas ng 0.7 prosiyento ang mga malalang kaso ng virus.
Sa ulat ng lungsod mula Agosto 20 hanggang 26 ay nakapagtala ang local na pamahalaan ng 1,754 bagong kaso ng COVID-19 o katumbas ng 251 average sa kada araw.
Ang kabuuang lingguhang pagtaas naman ng kaso ay umabot ng 49% mula sa 1,180 bagong kaso na naitala sa panahon mula Agosto 13 hanggang 13 to 19 o may average na 169 bagong kaso sa bawat araw.
Sa kabuuang 1,671 na aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ay nakapagtala ng may pinakamataas na bilang ng kaso ang nasa age group na 30-34 na may bilang na 506 pasyente na sinundan ng grupo ng 18-29 na mayroong 471 pasyente habang ang grupo ng may edad na 45-59 ay nakapagtala ng 245; 102 sa grupo ng mga 60-74; 88 sa mga grupo ng 14-17 at 5-9; 82 sa grupo ng 10-13; 40 para sa mga batang mas mababa ang edad sa 5 taong gulang; 29 para sa grupo ng 75 pataas ang edad; 15 sa mga sanggol at 5 naman sa mga neonate. MARIVIC FERNANDEZ
175294 204109fantastic . Thanks for informations . Ill be back. Thanks once more 272409