KASO NG E-COMMERCE FRAUD BUMABA

E-COMMERCE FRAUD

BUMABA ng tatlong beses ang naitatalang e-commerce fraud o mga panloloko sa pamamagitan ng online mula sa Filipinas ngayong panahon ng Kapaskuhan, ayon sa pag-aaral ng global information at insight provider na Transunion.

Batay sa pag-aaral, bumaba ng mahigit 33% ang bilang ng mga hinihinalang online retail fraud na nagmula sa Filipinas sa pagsisimula ng holiday ngayong 2020, kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Ayon kay Transunion Philippines President and CEO Pia Arellano, isang malaking dahilan dito ang maagap na aksiyon ng mga e-commerce provider para mapigilan ang mga panloloko.

Gayunman, pinapayuhan pa rin ng Transunion ang mga negosyante na manatiling nakaalerto laban sa mga manloloko na maaaring gamitin ang COVID-19  para makapambiktima.

Una nang isinulong sa Kamara ang panukalang Internet Transaction Act na naglalayong bigyan ng proteksiyon ang mga mamimili at negosyong gumagamit ng internet transactions.  DWIZ 882

Comments are closed.