INIHAYAG ng Department of Health na bumaba na ang kaso ng Leptospirosis subalit tumaas naman ang bilang ng mga nagkakasakit ng Dengue.
Naitala sa monitoring ng DOH, 10 na lamang ang kaso ng Leptospirosis ang naiulat hanggang noong nakaraang Linggo.
Paliwanag ni Health Secretary Francisco Duque III, ang pagbaba ng kaso ng Leptospirosis ay bunsod ng madalang na pag-uulan at ang maigting na information campaign ng ahensya.
Ayon naman sa epidemiology report, nagkaroon ng 20% na pagtaas sa kaso ng Dengue kung saan mula sa 5,968 cases ay nakapagtala ito ng 7,778 cases.
Kaya’t paalala ng DOH sa publiko, panatilihing malinis sa loob at labas ng bahay at dapat pagbutihin ng lokal na pamahalaan ang flood control at regular na koleksiyon ng basura.
Comments are closed.