KASO NG LEPTOS NASA 2,229 NA

TUMAAS  ng  hanggang 2,229 ang  kaso ng leptospirosis  na naitala ng Department of Health  sa  buong bansa  mula Enero 1 hanggang Agos­to 4  ng taong kasalukuyan.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, ang National Capital Region (NCR)  ang nakapagtala ng pinakamalaking bilang ng leptospirosis cases na umabot na sa 1,227.

Ito ay 358% na mas mataas kumpara sa naitalang 268 cases sa kaparehong pa­nahon noong 2017.

Ang sunod-sunod na pagbaha sa Metro Manila ang pa­ngunahing dahilan ng paglobo ng kaso ng leptospirosis.

Sa datus ng DOH, may 394 na kaso na ng pagkamatay ang naitala sa buong bansa.

Mula sa naturang bilang na 62 ang namatay sa NCR , Region 7-81, 42 sa Region 6, Region 3-29, 23 sa Region 9, at 24 sa Region 4A.

Si Duque ay personal na bumisita at nagbigay ng lecture kaugnay sa nasabing sakit  sa mga estudyante sa Longos Elementary School sa Malabon City.

Comments are closed.