NAALARMA ang pamunuan ng Department of Health (DOH) dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng mga tinataaan ng Leptospirosis bunsod ng matinding pagbaha sa Davao Region.
Ayon sa datos ng DOH Davao Region 11, ang kaso ng leptospirosis sa rehiyon ay tumaas noong Enero 2024 kumpara sa paraehong panahon noong nakaraang taon.
Mula Enero 1 hanggang 27, ang DOH-11 ay nakapagtala ng 34 mga akso ng leptospirosis na may dalawang pagkamatay na 48 porsyentong mataas kumpara sa 23 kaso na naitala noong 2023.
Pinakamaraming naitalang mga kaso ang Davao de Oro na sinundan ng Davao del Norte dahil sa mga nasabing mga probinsya ang matinding tinamaan ng kamakailan na pagbaha at landslides .
Binalaan ng mga eksperto ang publiko laban sa pagtampisaw sa mga baha lalo na kapag may sugat.
Ayon kay DOH RESU Head, Dr.Rachel Pasion, kung kinakailangan ay magsuot ng protective gears gaya ng boots, gloves at suits.
Hinimok din ng DOH-11 ang mga nalulubog na indibidwal sa baha na kumuha ng gamot para sa anti-leptospirosis sa kanilang health centers.
PAUL ROLDAN