KASO NG ONLINE CHILD EXPLOITATION LUMOBO HABANG NAKA-LOCKDOWN

ONLINE CHILD EXPLOITATION

TUMAAS ang kaso ng online child exploitation habang nasa ilalim ng lockdown ang bansa dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic, ayon sa Department of Justice-Office of Cybercrime (DoJ-OoC).

Batay sa National Center for Missing and Exploited Children (NCMEC) CyberTipline Report, ang paglobo ay bunga rin ng pagtaas sa paggamit ng Internet dahil karamihan sa mga tao ay nakakulong sa mga bahay para maiwasan ang pagkalat ng virus.

Nakasaad sa March 1-May 24, 2020 report  na tumaas ng  202,605 ang  kaso ng  online child exploitation magmula nang ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) noong Marso 17.

Iniulat din ng NCMEC ang 264.63 porsiyentong pagtaas mula sa 76,561 na naitala sa kahalintulad na panahon noong 2019.

Noong 2014, ang DoJ-OoC ay itinalagang Point-of-Contact (PoC) ng  NCMEC, isang pribado at non-profit corporation na ang misyon ay ang tunulong sa paghahanap ng mga nawawalang bata, mabawasan ang child sexual exploitation at maiwasan ang pambibiktima sa mga bata.

Ang center ay pinahihintulutan ng isang batas sa United States na tumanggap ng mga ulat mula sa electronic communication service providers, kabilang ang Facebook, Yahoo! at  Gmail, sa lalong madaling panahon makaraang makakalap ng impormasyon na isinasagawa ang sexual exploitation sa mga bata gamit ang server o pasilidad nito.

Bilang PoC ng bansa, ang DoJ-OoC ay may direktang access sa  NCMEC Virtual Private Network at inaabisuhan sa bawat pagkakataong nakatatanggap ng ulat para sa online sexual exploitation of children (OSEC) na may kinalaman sa Filipinas.

Samantala, tiwala si Justice Undersecretary Markk Perete na boluntaryong tatalima ang mga Internet service provider sa bataa na nag-aatas sa kanila na maglagay ng teknolohiya na haharang o sasala sa mga materyal na nagsasamantala sa mga bata.

Aniya, ang  legal obligation ay awtomatikong nakapaloob sa kanilang mga prangkisa at permit para makapag-operate.

“And they realize, more than anyone, that without such technology, this trend of victimization of children who are the most vulnerable among us will remain unabated. To reduce the proliferation of and to prevent OSEC have been the aspiration of several government agencies and inter-agency committees involved in the formulation of policies that uphold every child’s physical, moral, spiritual, intellectual, emotional, psychological, and social well-being,” ani Perete.

Comments are closed.