ANIMNAPU’T ISANG porsiyento ang ibinaba sa kaso ng rape sa Pangasinan.
Sa datos, nailatala ang 97 rape case sa nasabing lalawigan mula Enero hanggang Hunyo.
Noong nakaraang taon, umaabot sa 159 ang naitalang kaso sa nasabing panahon na mas mababa ng 62 na kaso sa parehong period.
Mas mataas din umano ang naitalang incest rape at statutory rape.
Paliwanag naman ng PNP, special ang pagkuha ng statistics ng nasabing kaso dahil karamihan sa mga kasong rape ay late na itong inire-report sa mga kinauukulan.
Minsan may isang taon na ang lumipas mula nang maganap ang insidente pero ngayon lang lumantad ang biktima. EUNICE C.
Comments are closed.