KASO NG TIGDAS SA REGION 2 TUMAAS

TIGDAS-4

ISABELA – LABIS ang pag-aalala ng kagawaran ng kalusugan o DOH-Region 2 dahil sa umakyat na sa 82 at maari pa umanong madagdagan pa ang kaso ng sakit na tigdas sa apat na lalawigan.

Ayon kay Dr. Bryan Galapia, National Immunization Program Coordinator ng DOH-Region 2, pinakamarami ang naitalang kaso ng sakit na tigdas sa lalawigan ng Cagayan na 30, habang sa Isabela ay  25, sa Nueva Vizcaya ay 17, at sa lalawigan ng Quirino ay 10.

Napag-alaman pa kay Galapia, na tumaas ng 645% ang mga tinamaan ng tigdas kung ihahambing noong Enero hang-gang Pebrero noong 2018, ang mga naitalang tinamaan ng tigdas ay mula 22 buwang gulang hanggang 37-anyos.

Kaya patuloy pa rin ang monitoring ng DOH- Region 2 at bago pa man dumami ang mga kinapitan ng tigdas ay may-roon nang ginagawang hakbang ang mga health worker sa mga bayan at lungsod.

Pinag-aaralan na ni Dr. Rio Magpantay, regional director ng DOH-Region 2 kung bawat munisipalidad o lalawigan ang pagde­deklara ng measles outbreak depende sa bilis ng pagkalat ng tigdas o kung may nasawi sa isang bayan o lun-sod.

Sinabi ng pamunuan ng DOH-Region 2 na walang kinalaman sa kontrobersiyal na dengvaxia vaccine ang pagtaas ng kaso ng tigdas kundi ang mga tinamaan ng kaso ngayon ay ang mga bata noong 2014 na hindi nabakunahan sa massive immunization noong 2014. IRENE GONZALES

Comments are closed.