KASO NI QUIBOLOY INILIPAT NA SA QC-RTC

IPINAHAYAG ng Supreme Court Second Division na mailipat sa QC RTC ang pagdinig sa dalawang kasong kriminal laban kay Apollo Quiboloy mula sa Davao RTC.

Sa resolusyon ng SC, nakitaan ng mabigat na basehan para pagbigyan ang kahilingan ng Department of Justice (DOJ).

“Court found compelling reasons to justify the transfer of venue as the cases involve public interest, with the accused, a well-known religious leader, being influential in the area.

As this could cause local biases and a strong possibility that witnesses cannot freely testify due to fear and influence of the accused, the Court found it prudent and judicious to order the transfer of the cases to Quezon City.”

Inatasan ng SC ang Branch Clerk of Court ng Branch 12, RTC, Davao City na ipasa ang buong rekord ng Criminal Case Nos. R-DVO-24-01439-CR at R-DVO-24-01440-CR sa Office of the Executive Judge ng QC RTC sa loob ng tatlong araw.

Iniutos din ng Korte Suprema sa Quezon City RTC Executive Judge na agad i-raffle ang mga kaso.
Batay pa rin sa direktiba ng SC sa Davao City RTC at aa iba pang stations sa Mindanao na agad ipasa sa Office of the Clerk of Court ng QC RTC at Metropolitan Trial Court ng Quezon City ang mga posibleng kaso na isasampa pa laban kay Quiboloy.

Una nang hiniling ng DOJ ang transfer of venue upang maiwasan ang miscarriage of justice at matiyak na magkakaroon ng patas at impartial na pagdinig.
EVELYN GARCIA