Pormal na nagsampa ng demanda ang panganay na anak ni Niño Muhlach na si Sandro Muhlach sa GMA 7 management hinggil sa insidenteng kinasasangkutan ng network sa mga independent contractors na sina Jojo Nones at Richard Cruz.
Direktang pinangalanan ng GMA Network ang mga “independent contractors” na nang-aabuso umano sa Sparkle talent na si Sandro.
Ayon sa GMA Network, ang inirereklamo ay sina Cruz na headwriter ng ilang Kapuso shows at ang writer/creator ding si Nones.
Iniimbestigahan na umano ng GMA Network ang insidente kahit noong hindi pa pormal na nagsusumite ng reklamo si Sandro dahil seryoso umano ang akusasyon.
Batay sa kahilingan ni Sandro, hindi muna ilalabas ng investigating body ang detalye habang Wala pang konklusyon, ngunit makaaasa raw ang lahat na magiging patas sila.
Kumalat ang balita tungkol sa insidenteng kinasasangkutan ni Sandro at ng dalawang “independent contractors” ng GMA-7 sa blind items, kung saan isang baguhang aktor ang muntik nang maging “midnight snack” ng dalawang may powers daw sa isang sikat na istasyon. Hinalay umano ng dalawang badaf ang baguhang actor na early 20s pa lamang ang edad, at naganap ang rape sa isang sosyal na hotel habang ginaganap ang isang engrandeng party ng network.
“Online articles and posts have recently circulated regarding an alleged incident involving an artist and independent contractors of GMA Network,” ayon sa GMA.
“We have yet to receive a formal complaint from those allegedly involved in the issue. Should one be filed, the Network is committed to conducting a thorough and impartial investigation.
“We assure the public that GMA Network takes such matters with utmost seriousness.”
Nagdeklara naman ang buong Muhlach clan ng giyera laban sa nang-abuso kay Sandro.
Banta ni Niño, ama ni Sandro, “inumpisahan ninyo, tatapusin ko!” Sinuportahan pa ito ng stepmom ni Sandro na si Diane Tupaz.
“Pinalaki at iningatan naming mabuti ang aming mga anak na puno ng pagmamahal at pag-aaruga, tapos, wawalanghiyain lamang ng mga kung sinong taong nilamon ng kademonyohan sa katawan para magawa yung ganoong klaseng kababuyan!” Ani Diane.
“HINDI KAMI MAKAKAPAYAG NA HINDI NAMIN MAKAKAMIT ANG HUSTISYA! HABANG BUHAY NA DADALHIN NG ANAK NAMIN YUNG KABABUYAN NA GINAWA NYO SA KANYA! WALA KAMING PAKIALAM KUNG SINO KAYO O KUNG SINO ANG POPROTEKTA SA INYO!
“SISIGURADUHIN NAMIN NA PAGBABAYARAN NYO YUNG GINAWA NYO! HINDI NAMIN HAHAYAAN NA MAY MABIKTIMA PA KAYO NA IBA! ITUTULOY NAMIN ANG LABAN! MANAGOT ANG DAPAT MANAGOT! NAKAKA NGINIG KAYO NG LAMAN!
Nagbanta rin si Angela Muhlach, kapatid ni Niño, na ang pamilya nila ang tatapos sa mga hindi nabigyang katarungan ng ilang mga artista.
Sabi niya sa kanyang Instagram Story, “Our family will be the one to break the injustices all the other artists are facing! This has to stop. We will fight for justice.
Pati ang pinsan ni Niño na si Andrew Muhlach ay may cryptic post din sa kanyang Facebook.
Ni-repost nito ang post ng pinsan at nilagyan niya ito ng caption na: “justice will prevail.”
Si Andrew ay anak ng yumaong si Cheng Muhlach, na ama rin nina Aga at Arlene Muhlach.
Ni-repost din ng anak nina Aga at Janice de Belen na si Luigi Muhlach ang post ni Niño.
Makahulugan niyang caption dito: “Subukan niyo kami ng gising.”
Hanggang ngayon ay wala pang opisyal na pahayag si Sandro tungkol sa insidente, ganun din ang mga akusadong sina Nones at Cruz. Dumulog na rin ang pamilya Muhlach sa isang ahensiya ng pamahalaan kaugnay ng pang-aabuso.