BINALAAN ni Agriculture Secretary William Dar ang mga negosyanteng nagsasamantala kaya lalo pang tu-mataas ang presyo ng mga gulay.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Dar na hindi makatuwirang taasan ang presyo ng gulay kahit pa maraming magsasaka ang naapektuhan ng mga nagdaang bagyo.
Ayon kay Dar, may ikinakasa silang economic intelligence para makasuhan ang mga mapagsamantalang ne-gosyante na nagpapatong ng sobra-sobrang presyo at mga trader na siyang nagdadala ng mga produkto sa mga pamilihan.
“Itong mga wholesalers, sobrang patong pa bago ibigay doon sa mga vendors d’yan sa mga wet market. Mayroon tayong mga isasagawa na talagang economic intelligence para makita natin sino pa ang gumagawa ng sobrang profi-teering,” anang kalihim.
Comments are closed.