PINAWALANG-SAYSAY ng Sandiganbayan ang kasong graft at paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standard na isinampa kay noo’y Local Water Utilities Administration (LWUA) Chairman at ngayon ay Deputy Speaker Prospero “Butch” Pichay.
Sa 24-pahinang desisyon, binawi ng anti-graft court ang unang desisyon nito, partikular noong October 23, 2020, kung saan hinatulan ang incumbent Surigao del Sur congressman at dalawang co-accused nito sa paglabag sa RA 3019 at RA 6713.
Nag-ugat ang kaso nang mag-sponsor si Pichay, sa panahong siya ang pinuno ng LWUA, sa isang chess tournament na nagkakahalaga ng P1.5 milyon.
Kinuwestiyon naman ng kongresista ang paghatol sa kanya at naghain siya ng Motion for Reconsideration noong November 6, 2020 kung saan matapos rebyuhin ng anti-graft court ay lumabas na hindi sapat o kulang-kulang umano ang ebidensiyang i-prinisinta ng mga nagsakdal.
Dahil dito, iniutos ng Sandigangbayan na isantabi ang October 23, 2020 ruling nito sa dalawang nabanggit na kaso laban kay Pichay at co-accused na sina Emmanuel Malicdem at Wilfredo Feleo.
Kasama rin sa bagong desisyon ng Sandiganbayan ang pag-aalis sa Hold Departure Order o HDO laban kay Pichay, at ipinasasauli na rin ang inilagak nitong piyansa.
Ang acquittal order ay isinulat ni Associate Justice Maryann Corpus-Mañalac, na sinang-ayunan naman nina Associate Justice Rafael Lagos, na siyang chairman ng Fifth Division at Associate Justice Maria Theresa Mendoza-Arcega. ROMER R. BUTUYAN
Thank you for any other excellent post. The place else
may just anyone get that type of information in such a perfect
means of writing? I have a presentation subsequent week, and I’m at the look for such
info.
138385 487020Numerous thanks I ought say, impressed together with your website. I will post this to my facebook wall. 193326