WALA na sa 1,000 level ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).
Ito ay makaraang makarekober ang 230 pulis sa nasabing sakit kaya bumaba na sa 947 ang ginagamot sa iba’t ibang pasilidad na mas mababa ng 178 sa dating 1,125 noong Pebrero 3.
Ayon sa PNP-Health Service, sa nasabing bilang ay kasama na ang karagdagang 52 na bagong kaso, at ang kabuuang kumpirmadong kaso ng nasabing sakit ay pumalo na sa 48,491.
Habang 230 pang pulis ang nakarekober kaya ang kabuuang gumaling sa PNP ay 47,417 na.
Wala namang naitalang nasawi sa sakit kaya nananatili sa 127 ang fatalities sa police force.
Samantala, 93,618 na pulis naman ang tumanggap ng booster shots; 218,964 ang fully vaccinated; 5,359 ang naghihintay ng ikalawang dose habang 879 pulis pa ang hindi pa nababakunahan. EUNICE CELARIO