PASAY CITY – KASALUKUYAN nang binabalangkas ng Czech Republic ang kasunduan sa Filipinas hinggil sa kanilang hiring ng 1,000 skilled workers.
Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), kabilang sa hinihimay na bahagi ng kasunduan ang proseso ng pag-a-apply ng manggagawa sa pamamagitan ng accredited na Philippine recruitment agencies.
“We are able to come out with an agreement na magkakaroon ng deployment through the private sector,” ayon kay Bernardo Olalia, administrator ng the Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Ayon kay Olalia, ang deployment ng OFW ay sisimulan agad kapag nailabas na nang malinaw ang guidelines.
Aminado naman ang OWWA official na wala pang job order subalit hinimok na ang mga Filipino worker na laging bisitahin ang POEA website para sa mga announcement.
Ang mga interesado ay pinayuhan na sumailalim ng skills training sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). EUNICE C.
Comments are closed.