KASUNDUAN NI DUTERTE SA CHINA WALA NANG BISA

IGINIIT  ni Senador Koko Pimentel na hindi na epektibo ang anumang naging kasunduan nina dating pangulong Rodrigo Duterte at ng China.

Naunang sinabi Duterte na mayroon silang gentleman’s agreement ng pinuno ng China noong kanyang termino.

“President sinabi niya sa kapwa niya president ng ibang bansa na para di magka-escalation sa lugar. Ang Pilipinas ay magsupply lang kagamitan, pagkain at tubig… It is obviously [a] personal agreement, therefore pagkatapos ng term ng taon na iyon, hindi na binding sa bansa iyon,” ayon kay Pimentel.

Hinimok ng senador ang sangay ng Lehislatura na magsagawa ng imbestigasyon upang matukoy ang aktwal o opisyal na mga kaganapan.

Higit pa rito, sinabi ni Pimentel na hindi na kailangang palakihin ang isyu dahil ang naturang kasunduan ay hindi itinuturing na isang official treaty.

“Hindi na uso verbal agreement ngayong panahon… Pwede na sabihin ng executive branch na di na namin itutuloy, kasi nirespeto naman ng anim na taon nung dating president,” ani Pimentel.

“Sa tingin ko tinupad ni [former president] Duterte ang commitment niya, pero tapos na po ang term nya at iba na ang president ngayon… Iwasan na nating pumasok sa verbal, unrecorded at informal agreement. Iwasan na natin iyon, sa system natin at Constitution, most likely unconstitutional ang ganyan mga agreement,” dagdag pa niya.
LIZA SORIANO