QATAR – UPANG bigyan ng proteksiyon ang mga overseas Filipino worker (OFW) sa bansang ito, lumagda ng kasunduan ang Philippine Commission on Human Rights at National Human Rights Committee.
Bukod sa proteksiyon, sakop din ng kasunduan ang kapakanan ng pamilya ng OFW na nasa Qatar.
Nanguna sa seremonya ng paglagda sina CHR chairperson Jose Luis Gascon at NHRC president Dr. Ali Al Marri na tumiyak para sa bilateral action para sa mga OFW.
“This agreement is a significant milestone in the effort towards human rights protection. We might be able to explore ways of cooperation so that both committees will be able to advance our respective mandates,” ayon kay Gascon.
Sa ilalim ng kasunduan, ang dalawang panig ay inilatag ang 10 areas of cooperation para sa paggana ng public awareness on human rights principles upang higit na maunawaan ng mga Filipino at Qataris.
Nagkasundo ang dalawang panig sa pagsasagawa ng trainings, studies at research, exchange of information and experiences, at pag-monitor ng mga kaso na nakaaapekto sa mga Filipino worker. EUNICE C.
Comments are closed.