(Kasunod ng pagkapanalo ni Trump) US DEFENSE SEC LLOYD AUSTIN BIBISITA SA PINAS

KASUNOD ng pagkakahalal ni US President Donald Trump ay nakatakdang bumisita sa Pilipinas sa susunod na linggo si U.S Department Of Defense Lloyd Austin III.

Sa ibinahaging impormasyon ng U.S Embassy in Manila at ng Department of National Defense ay napag- alaman na nakatakdang bisitahin ni Austin si Defense Secretary Gilbert Gibo Teodoro Jr.

Ito ay bahagi  ng kanyang farewell call kay Defense Secretary  at iba pang defense officials sa Indo-Pacific Region.

Ito na ang ika-apat na pagbisita ni Austin sa Pilipinas sa loob ng kanyang panunungkulan sa ilalim ni outgoing US President Joe Biden.

Maliban sa Pilipinas, nakatakda ring bumisita si Austin sa Laos, Fiji, Australia, at iba pa.

Inaasahan ang  pagtatalaga ni  Trump ng bagong defense chief  sa susunod na taon bago ang kanyang tuluyang pag-upo sa January 2025.

Batay sa inisyal na pahayag ng kampo ng bagong halal na pangulo ng Amerika, ang napi­pisil umanong magiging kalihim ay si Pete Hegseth, isang beterano sa Iraq at Afghanistan war.

Sa ibinahaging impormasyon ni Pentagon Press Secretary Maj. Gen. Pat Ryder: Secretary of Defense Lloyd J. Austin III will depart this week for a trip to Australia, the Philippines, Laos, and Fiji to participate in a series of bilateral and multilateral meetings.

“ These engagements will drive ongoing efforts to modernize our alliances and partnerships toward our shared vision for a free and open Indo-Pacific.’

Ayon kay Ryder, isusulong ni Austin ang security objectives ng Amerika sa mga pinuno ng Pilipinas  at makikipagpulong sa U.S. and Philippine forces.

VERLIN RUIZ