SUMIPA ang presyo ng ilang gulay sa mga pamilihan sa Metro Manila dahil umano sa kakulangan ng delivery kasunod ng pananalasa ni Super Typhoon Karding.
Sa ulat ng ABS-CBN News, sa Pasay Market ay tumaas nitong Martes ng P20 hanggang P40 ang presyo ng kada kilo ng ilang gulay.
Kabilang sa mga apektadong gulay ang bawang na mula P100 ay mabibili ngayon sa P120 kada kilo; sibuyas, P200 kada kilo mula P180; kamatis, P120 kada kilo mula P80; Pechay Tagalog, P80 kada kilo mula P75; Pechay Baguio, P60 kada kilo mula P55.
Tumaas naman ang presyo ng lettuce sa P180 kada kilo mula P150;, cabbage sa P60 kada kilo mula P45; talong sa P80 kada kilo mula P60;, ampalaya sa P80 kada kilo mula P70;, carrots sa P100 kada kilo mula P75; patatas sa P80 kada kilo mula P70; at kalamansi sa P80 hanggang P100 kada kilo mula P60 hanggang P65.
Sumirit din ng P20 hanggang P30 ang presyo ng ilang gulay mula sa Baguio dahil sa kaunting supply sa Balintawak at Divisoria.
Hanggang kahapon ay pumalo na sa P160.1 million ang pinsala sa agrikultura ni ‘Karding’.