(Kasunod ng payroll scam) MAJOR REVAMP SA PSC IKINASA

ISANG malawakang balasahan ang ipatutupad sa Philippine Sports Commission (PSC) kasunod ng natuklasang payroll scam na kinasangkutan ng isa sa mga staff ng ahensiya.

Ayon kay PSC  Chairman William Ramirez, ang major revamp ay inaprubahan sa isang executive meeting kahapon.

“It was a collective decision of the board as part of a plan to re-stabilize the organization,” sabi ni Ramirez.

Bahagi ng revamp  ang pagtalaga kay Atty. Guillermo Iroy, Jr.  bilang acting Executive Director kapalit ni Merlita Ibay,  na bumalik sa kanyang posisyon bilang Deputy Executive Director for Finance and Administrative Services, ang kanyang orihinal na appointment bago itinalagang acting ED. Si Queenie Evangelista ang mamumuno sa Bureau of Coordinating Secretariat and Support Services bilang  Acting Deputy Executive Director nito.

Inamin ni Ramirez na nagkaroon ng lapses ang ahensiya at nangakong gagawa siya ng mga kaukulang pagbabago para huwag nang maulit ang payroll padding. Aniya, titiyakin niya na magkakaroon ng karampatang imbestigasyon, pagtutuwid at kaparusahan.

“As the highest accountable official of the agency, I take responsibility to effect changes, to make sure that there are no gaps in the organization. I feel sad, frustrated, and hurt but we all have to have composure,” wika ni Ramirez, at idinagdag na umaasa siyang mapapayapa ang lahat ng stakeholders at partners sa desisyong ito at ipagpapatuloy ang kanilang suporta.

Hiningi na ng PSC ang tulong ng National Bureau of Investigation, Department of Justice at Office of the Solicitor General para sa ikalulutas ng naturang kaso.

Ang iba pang leadership changes sa ahensiya ay ipatutupad ngayong linggo. CLYDE MARIANO

Comments are closed.