BULACAN – WALO katao ang kumpirmadong namatay habang nasa 20 iba pa ang nasugatan sa vehicular accident ng pampasaherong bus sa North Luzon Expressway sakop ng Km 12 Smart Connect road malapit sa Valenzuela Exit noong Biyernes ng gabi.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad paluwas ng Maynila ang Buenasher Transport na pag-aari ng Nuestra Señora del Carmen Transport Services Inc. lulan ang 30 pasahero.
Nabatid na nasa kasagsagan ng malakas na ulan, habang binabagtas ng humahagibis na bus nang bigla na lamang umanong magpreno ang sinusundan nitong SUV na dahilan nang biglang preno ng Bus, dahil sa bilis ng sasakyan hindi na ito na control at tuluyang bumangga at bumaligtad ang bus na sanhi ng aksidente.
Ayon kay PCol. Carlito Gaces ng Valenzuela Police station, tumilapon ang SUV at nag-turn turtle naman ang bus na may plakang AGA-8610 na nakaharap pa Northbound pa halip na sa Southbound.
Gayunman, wala pang pangalan ang mga casualties sa funeral parlors, habang ang mga nasugatan ay dinala sa MCU at Valenzuela General Hospital.
Samantala, sasagutin at handang makipagtulungan ng kompanya ng bus at nagpaabot na rin sila ng pakikiramay sa mga pamilyang naulila ng mga biktima ng trahedya.
Maaari nilang tawagan ang 0917 807 0530, at hanapin si Robert Viardo.
Bukod dito maari rin na mag-email sa [email protected] ang mga pamilyang nasangkot sa aksidente. THONY ARCENAL
Comments are closed.