(Kasunod ng ‘vaccine scare’) DOH BIDDING SA BAKUNA BINUSISI

Bakuna

UPANG masiguro ng gobyerno at publiko ang competitive pricing at insentibo, hinikayat ang open bidding para sa mas malawak na pagpipilian para sa bakuna.

Tinugunan ng Department of Health (DOH) ang matinding pangangailangan na malabanan  ang mga sakit  sa pagsusulong ng paggamit ng bakuna, sa pamamagitan ng maagang panawagan para sa tender.

Inaasahang marami ang matutuwa sa hakbang na ito ng DOH sa pagpapabilis ng procurement ng mga bakuna upang matiyak ang sapat at maagang supply ng mga ito.

Gayunman, may ilang sektor ang nagpahayag ng pangamba na ang tender ay nakatuon lamang sa bakuna ng isang manufacturer.

Sinasabing ang maagang call for bidding ay nagdiskuwalipika sa ibang kakompetensiya dahil ang panawagan sa bid ng DOH ay para lamang sa isang PCV manufacturer.

Hinikayat ang DoH na gawing “open at competitive” ang nasabing tender para makapamili  ang mga Filipino consumer sa dalawang PCV na maaaring gamitin.

Isinusulong ang bukas at competitive na tender  alinsunod din sa FOURmula One Plus agenda on Good Governance ng DOH at sa adbokasiya ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa transparency at accountability.

Bukod pa rito ay malaki ang matitipid ng DOH kada taon kung papayagan nito ang dalawang magkasim-bisang bakuna  na magtunggali para sa November 2019 PCV DOH tender na gagamitin para sa 2020.

Ang matitipid ng gobyerno  ay maaari namang magamit upang mapagbuti   ang vaccination program sa Filipinas at makapagbigay ng karag­dagang tulong para sa pagpapatupad ng Universal Health Care Law. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *