KATABAAN MAGPAPATINDI SA SAKIT NA COVID-19

NAGPAHAYAG ng lubhang pagkabahala ang mga espesyalista sa puso kaugnay sa dumaraming taong hindi agad nakakapagpasailalim sa regular na medical check-up sa gitna ng nararanasang pandemya dulot ng Covid-19.

Sa idinaos na virtual Usapang Puso sa Puso conference na inorganisa ng Philippine Heart Association (PHA), nanawagan ang dating presidente ng PHA na si Dr. Jorge Sison, sa publiko partikular sa mga tatay na ugaliing regular na magpa check-up.

“Once your age is no longer at the calendar, it is best that you
undergo a checkup because high blood happens even to the younger ones.
There are even hypertensive children,” pahayag ni Dr. Sison.

Pinaalalahanan naman ni Dr. Benjamin Jose Quito ang mga kalalakihan na dumaranas ng tinatawag na abdominal fat o katabaan sa bahagi ng tiyan na magpa check up bunsod ng maaaring mauwi sa pagkakaroon ng cardiovascular disease at posibleng severe COVID-19 kung hindi mag- iingat.

“The virus gets more into the fat, men must be creative to exercise even at home amid the pandemic.
You do not have to stop. What is important is consistency,” saad ni Dr. Quito.

Ayon sa PHA, nakapanlulumong 82 porsiyento ng mamamayan ang hindi na regular na nagpapa check-up sa kanilang manggagamot.

Mula naman sa 18 porsiyentong nagpapakonsulta, kakaunti na lamang ang humihingi ng medical advice at nag-eehersisyo.

Sa naturang Father’s Day Special forum na tinawag na “Puso ni Daddy: Sinlakas pa ba ng Haligi?” pinasalamatan ni Dr. Orlando Bugarin, outgoing president ng PHA ang partisipasyon ng Corbridge Group Philippines kasama ang movie actor guests na sina Robin Padilla at Ormoc City Mayor Richard Gomez bunsod ng kanilang inisyatibo para maituro at maipaunawa sa publiko ng importansiya ng pangangalaga sa kanilang katawan partikular sa puso. BENEDICT ABAYGAR, JR.

5 thoughts on “KATABAAN MAGPAPATINDI SA SAKIT NA COVID-19”

  1. 106000 584481Cheapest player speeches and toasts, or maybe toasts. continue to be brought about real estate . during evening reception tend to be likely to just be comic, witty and therefore instructive as effectively. greatest man speeches free of charge 207682

Comments are closed.