Pinanood natin ang live hearing ng Committee on Health na pinangungunahan ng chairperson nitong si Congresswoman Helen Tan sa Mababang Kapulungan ukol sa Covid-19 vaccine program ng pamahalaan.
Nakapagtatakang sina vaccine czar Carlito Galvez, DOH Sec.Duque at Domingo na pawang mga in-charge sa vaccination program ng gobyerno ay may hindi binabanggit na bakuna, ito ay ang Sinopharm, gayong ito ang ginamit sa PSG ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte dahil malaki ang tiwala ng presidente sa Sinopharm na ginamit sa milyon-milyong Tsino at maging sa Dubai.
Ang Sinopharm ay iba sa Sinovac na itinutulak ng DOH. Samantalang ang Sinopharm ay may 78% efficacy, ang Sinovac ay may 50% efficacy lamang.
Ang Sinopharm ay isa lamang sa dalawang vaccine na may akreditasyon na “for general use” sa buong daigdig kaya ito nga ay hindi lamang basta pasado sa world standard, kundi ay de-kalidad.
Pawang sina Congresswoman Tan at Cong. Mike Defensor na miyembro naman ng komite ang bumanggit sa Sinopharm at nagmistulang pipe lahat ng eksperto kuno ukol sa napakagaling na Sinopharm ang mga health official ng gobyerno. Ano meron Duque? Galvez?
REKLAMO SA PULIS VALENZUELA
Hayaan po ninyong bigyang daan ako ang isang suki natin sa Siyudad ng Valenzuela. Ito po ang kanyang reklamo na ipinaabot sa inyong lingkod at atin naman pong ipinaaabot sa mga kinauukulan sa nasabing siyudad. Calling Mayor Gatchalian, ito po ang sumbong ng inyong constituent:
“Sir magandang araw po. Nais ko lang po idulog sa inyo ang isang pulis dito sa Valenzuela na naka-assign po sa Karuhatan 3s sa kadahilanan na lage po siya pumupunta dito para mag-hingi ng kung ano-ano.
“Lage naman pong maayos at legal ang negosyo ko kaya ‘wag naman po sana hingian kami dito ng kung ano-ano namang pabor dahil maliit na nga po ang kinikita namin na pwepwersa pa po kami sa hinihingi niya.
“Okay nman po ang mga pulis Karuhatan pero ‘yung hepe po nila na kung tawagin nila Tinyente Bantanos ‘yun po ‘yung lagi pumupunta kahit naka-motor siya ‘yung NMAX na black po gamit n’ya iniikot nya po mga establisyimento para mang-hingi ng mga bagay-bagay na pang personal niya.
“Natatakot lang po kami dahil tinitikitan n’ya daw po lahat ng mga customer namin ng social distancing when sumusunod naman po kami sa health protocol na pinapatupad ng gobyerno sa amin dito sa Valenzuela.”
Comments are closed.