CANADA – NAGSAGAWA ng prayer vigil ang mga miyembro ng Filipino community sa Winnipeg kasunod ng pagkamatay ng isang Filipina na nabundol ng kotse kamakailan.
Batay sa news program na CBC News, kinilala ang biktima na si Jillian Lammatao, na tumatawid sa isang kalsada nang mabundol ng kotse na minamaneho ng 89-anyos na lalaki mula sa Winnipeg.
Nabatid na katatapos lamang magdiwang ng kaarawan noong Agosto 1 ni Jillian nang siya ay mabundol at noong Agosto 6 ay pumanaw habang naka-confine sa isang ospital.
Batay naman sa Winnipeg Police, nakakulong na ang nakabundol kay Jillian. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.