KATAWAN NG SEAMAN NAGKAPUTOL-PUTOL

BOHOL- KALUNOS -lunos ang naging sanhi pagkamatay ng isang crew member ng fast craft matapos na magkaputol-putol ang katawan nito makaraang mahulog sa barko kamakalawa ng umaga sa Tagbilaran City.

Ayon sa pahayag ni Lt. Junior Grade Romulo Balonga ng Philippine Coast Guard, ang biktima ay nakilalang si Marcelo Casulucan, 29-anyos, crew member ng Oceanjet at residente ng Pilar, Bohol.
Base sa pahayag ni Balonga, dakong alas-11 ng umaga nakadaong ang barko sa Tagbiliran, Bohol kung saan ay nakatakdang bumiyahe patungong Cebu.

Sa pahayag naman ng fast craft captain, napansin niya na kulang ng isa ang kanyang crew kaya tinignan niya ang CCTV footage bago ang insidente nakitang abala ang biktima sa pag-aayos ng mga bagahe sa likurang bahagi ng barko subalit bigla na lamang itong nadulas dahilan para mahulog ito sa dagat.

Kaagad naman siyang humingi ng tulong sa PCG at nagsagawa ng search & rescue operation makalipas ang ilang minuto nakita na lamang ang mga putol – putol na bahagi na katawan ng biktima na posibleng tinamaan ito ng propeller ng barko.

Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente. EVELYN GARCIA