KATAWANG NAKASAKO LUMUTANG PASIG RIVER

bangkay

NATAGPUAN ng environment staff ang katawan ng tao na nakasilid sa  sako at palutang- lutang sa   Pasig River kahapon sa Mandaluyong City .

Sa pahayag ni Ramil dela Cruz na siyang nakakita ng nasabing bangkay,   dakong 4:30 ng hapon nang matagpuan nito ang  sako na lamang tao sa ilog sa Coronado Ext.kanto ng Sanibiy St., Brgy., Hulo sa nasabing lungsod.

Nakasuot ng green t-shirt at naka-blue ng pantalon ang nasabing bangkay at isang sling bag na naglalaman ng mga ibat ibang  identification card ang nakita sa loob ng sako.

Agad na iniulat ni dela Cruz sa Emergency Quick Response Team ng Mandaluyong ang nasaksihan.

Mabilis itong nirespondehan at inahon ng mga awtoridad ang bangkay mula sa Pasig River habang nagsasagawa ng tactical aspect investigation ang SOCO team sa lugar.

Dakong alas- 7:30 ng gabi ay inilagak pansamantala ang bangkay sa Quioque Funeral Parlor para sa autopsy examination ng mga awtoridad.

Gayunpaman, hindi muna inihayag ang pagkakakilanlan ng nasabing bangkay at hindi rin binanggit kung may mga tama ito ng bala o mga saksak sa katawan bago sinilid sa sako. ELMA MORALES

Comments are closed.