KATHDEN GUMAWA NG KASAYSAYAN SA 2019

ALDEN AT KATHRYN

PINATUNAYAN nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na kahit wala silang The pointromantic involvement bilang isang love team, puwede silang tangkilikin ng mga manonood tulad na lamang ng kanilang pinagbidahang pelikula na “Hello, Love, Goodbye.”

Katunayan, biggest money maker sa takilya ang kanilang pelikulang pinagsamahan dahil sa kasalukuyan, nananatili itong may hawak ng record na highest grossing Pinoy film of all time.

To date, kumita na ito ng humigit-kumulang na P800 milyon sa takilya na hindi pa kasama ang kanilang worldwide gross.

Pumapangalawa naman ang “Alone Together”  (ABS-CBN Films) na humamig ng P287 M sa box office.

Nasa pangatlong slot ang “The Panti Sisters” (ABS-CBN Films, Quantum Films, The Idea First Company) na kumita ng P191 milyon sa entire run nito.

Ito ang kumpletong listahan ng top 10 Pinoy highest grossing films para sa 2019: 1) Hello, Love, Goodbye | Star Cinema – P695M; 2)Alone Together | Black Sheep- P287M; 3) Panti Sisters | Black Sheep P172M; 4) Eerie | Star Cinema P171M; 5) Just A Stranger | Viva Films-P130M 6) Unbreakable | Star Cinema- P120M; 7) Jowable | Viva Films-P110M; 8) Clarita | Star Cinema-P70M;

9) Unforgettable | Viva Films – P49M; 10)Isa pa with Feelings | Black Sheep P45M.

Hindi kasama sa tala ng kinita ang worldwide gross ng mga nasabing pelikula.

Hindi rin kasama sa listahan ang mga pelikulang kalahok sa 2019 Metro Manila Film Festival.

24th  ASIAN TV AWARDS IDARAOS SA PINAS

SA KAUNA-UNAHANG pagkakataon, magho-host ang Filipinas ng prestihiyosong Asian Television Awards na gaganapin sa Newport Per-forming Arts Theater ng Resorts World Manila sa Enero  11, 2020.

Isang momentous event ito dahil dadalo rito ang mga sikat na perso­nalidad at TV executives sa buong Asya.

Ang TV5 at Cignal TV ang media partners ng 24th Asian Television Awards na dating idinaraos sa Singapore.

Nominado si Martin del Rosario para sa ka­tegoryang best leading male performance category para sa Born Beautiful na nominado rin sa kategoryang best digital drama series.

Nominado rin ang Mystified sa mga ka­tegoryang Best Digital Program Series, Best Single Drama, Best Theme Song para sa “Simula” na inawit ni Karylle, at Best Director na si  Mark Reyes.

Best Actress in a Leading Role nominee naman si Julie Anne San Jose para sa Barangay 143 na nagbigay ng Best Director for Fiction nomination kay Jyotirmoy Saha.

Mga nominado rin sa 24th Asian Television Awards sina Cito Beltran at Cathy Yang (Best News Presenter or Anchor), Kris Lawrence at Krizza Neri (Best Theme Song for “Alanganin,” Barangay 143), Gloc-9 featuring Maya (Best Theme Song for “Dito Sarangay,” Barangay 143), at Top Suzara at Harlem Ty (Best Theme Song for “Liga ng Buhay,” Barangay 143).

Comments are closed.