KUNG iko-compute mo ang total gross ng pinag-uusapang “Hello, Love, Goodbye” na first teamup ni Kapamilya actress Kathryn Bernardo at Kapuso actor Alden Richards for Star Cinema, sa kanilang third day last Friday, August 2, makikita mong mas malakas ang third day nila kaysa opening day. Ang opening day ay nag-gross ng Php 34,457,618.41. Sa second day last August 1, medyo bumaba ang gross nila na Php 31,843,699.31 kaya ang kabuuan ng second day ay Php 66,300,317.72.
Pero last Friday, August 2, na may 430 cinemas na sila, walang pasok ang mga estudyante, at sa mga magagandang reviews ng movie ni Direk Cathy Garcia-Molina, mas mataas ang gross nila sa kabila ng malakas na ulan. Umabot ang total gross nila ng Php 110,816,906.08 kaya ang gross nila last Friday ay umabot sa Php 44,516,688.36.
Kaya, muling nagpaabot ng pasasalamat si Alden, nag-say siya ng “Amen” sa tweet ng Star Cinema na: “Ramdam namin ang buhos ng inyong pag-mamahal! Maraming-maraming salamat po! #HelloLoveNaminKayo #HelloLoveGoodbye
Kahapon, August 3, umabot na sa 450 cinemas nationwide mapapanood ang HLG.
Next week, hihintayin lamang ni Alden na bumalik si Kathryn from California, at sa August 8, aalis sila papuntang Middle East para mag-attend ng block screening sa Dubai at Abu Dhabi. Congratulations!!!
JERIC GONZALES PANAY ANG WORKSHOP PARA MAHASA ANG AKTING;
MAY PAYO SA MGA GUSTONG MAG-SHOWBIZ
SIX years na pala si Jeric Gonzales sa Kapuso Network kung saan siya nagsimula after manalo sa artista-search na Protege. Ang GMA na raw ang nag-hone sa kanya bilang isang artista, homegrown talent at marami na siyang nagawang proyekto, thankful siya dahil hindi siya nawalan ng trabaho. Ngayong may “StarStruck” sa GMA, ano ang maipapayo niya sa mga mananalo?
“Iyong pagiging humble all the time, huwag makalimutan siyempre na magdasal, ‘yung pamilya mo, ang then kung saan ka galing,” sabi ni Jeric. “Dapat grounded ka lagi kahit ano ang mangyari. Dapat din maganda ang pakikisama mo sa mga katrabaho, kasi magre-reflect iyon sa iyo as a person.”
Nag-attend si Jeric ng workshop ni Anthony Bova na ongoing ngayon, at tatagal ito hanggang August 8. Nag-volunteer daw siya dahil kailangan pa niyang i-improve ang kanyang skills.
“May bago po akong teleserye, ang “Magkaagaw” na kasama ko sina Klea Pineda at Ms. Sheryl Cruz. Mature roles ang gagampanan namin ni Klea, na una kaming naging magkatambal sa “Ika-5 Utos,” pero iba ang characters naming gagampanan ngayon. Malalaman namin kung kaya na namin ni Klea, kaya sabay kaming nagwo-workshop.”
Biniro si Jeric na baka ma-in love na siya kay Klea.
“Why not, hindi po natin masasabi. Pareho naman kaming single at naging close na kami noong magtambal kami sa “Ika-5 Utos.”