ARAW-ARAW pa ring nadaragdagan ang mga sinehang pinagpapalabasan ng pinag-uusapang movie na “Hello, Love, Goodbye” na first movie team-up nina Kapamilya actress Kathryn Bernardo at Kapuso actor Alden Richards. At iyon nga ang nakakatuwa, sa isang araw ng showing, mas dumarami pa ang mga sinehang pinaglalabasan nito. May ilang malls na kung apat lamang ang cinemas nila, lahat ay ang “HLG” ang palabas.
May isang nag-post sa isang mall cinema na dalawa na ang sinehang pinaglalabasan ng HLG, pero may isa pang cinema na ka-back-to-back nila ang “Lion King” na pambata. Dalawang screenings ng “Lion King” sa araw at ang dalawa pa ay HLG, showing naman sa gabi. Take note rin na kung P250 ang ticket price ng “Lion King,” ang HLG ay mas mataas ng ten pesos, P260 ang ticket price nila.
Last Sunday, August 4, ay may 460 cinemas sila, at nag-gross sila ng Php 73,403,715.85 for a total gross of Php 250,040,718.80. ngayong araw, August 7 ay may mga bago nang pelikula ang magpapalabas, malalaman natin kung ilang sinehan pa ang matitira sa “Hello, Love, Goodbye.”
Patuloy pa rin ang block screenings ng movie na may araw na 13 block screenings ang pinupuntahan ni Alden habang wala si Kathryn dahil nasa ASAP show sa California kasama ang boyfriend na si Daniel Padilla. Nagsimula na rin ang international screenings sa iba’t ibang panig ng mundo. Dalawang international screenings ang pupuntahan nina Alden at Kathryn, sa Dubai at Abu Dhabi sa United Arab Emirates sa Thursday, August 8 and Friday, August 9.
STARSTRUCK FINALISTS NAKIPAGSABAYAN,
NAKATIKIM NG SAMPAL NI CHERIE GIL
ANG gandang panoorin ang dalawang gabing acting test ng Final 10 ng “StarStruck” na naging co-actor nila ang kinatatakutan nilang Star-Struck Council na si Ms. Cherie Gil. Mukhang pinaghandaan naman ng Top 10 Finalists ang pagsabak nila ng acting kay Cherie dahil kita mo ang spontaneous acting nila. Umaatikabong sampalan ang naranasan nila, pero nakipagsabayan sila at hindi nagpatalo sa Primera Contravida ng showbiz. Umani naman sila ng papuri sa dalawa pang Council na sina Heart Evangelista at Jose Manalo. Si Cherie naman in-explain bawat eksenang ginawa niya sa kanila at pinuri rin sila sa acting nila.
Ang nakakuha ng lowest scores ay sina Jeremy at Ella. Pero may twist, dahil bibigyan sila ng last chance na makabalik muli next week, lalabanan nila ang two bottom finalists. Sasamahan pa ito ng muling pagboto ng mga televiewers sa pamamagitan ng pagti-text. Puwedeng bumoto ang viewers ng five (5) times per day sa paborito nilang Top 10 finalists. Napanonood ang “StarStruck” every Saturdays and Sundays evening.